May14
Ate’s visit to San Francisco
by ClarissaNoong nakaraang weekend, bumisita ang ate ko galing Vancouver. I’m sure everyone agrees that the thing you miss most when you live abroad is family. Iba talaga ang ‘bonding’ kapag pamilya ang kasama.
Ang una naming ginawa ay kumain ng pinoy food sa Karilangan, located in South San Francisco. Inihaw na baboy, seafood sinigang, piniritong bangus belly at pinakbet..yum yum yum ang sarap…nag-order kami para sa sampu, kahit na lima lang kami. Sobrang dami ang pagkain parang piyesta pero naubos pa rin namin! Di ba mas masaya ‘yun? Pagkatapos ng hapunan, siyempre nag dessert kami sa Goldilocks.
The San Francisco bay area is one of the best places to live and visit. Ang daming sites na madadalawan sa mismong siyudad ng San Francisco- ang Golden Gate Bridge, Coit Tower, Fisherman’s wharf, Pier 39, shopping sa Union Square. Sa paligid ng lunsod ng San Francisco ay ang Daly City at South San Francisco area. Dito mahahanap ang isa sa pinakamalaking Filipino community sa US. Para ka naring nasa Pilipinas kapag pumunta sa Serramonte Mall!
Lumipad ng pabalik sa Vancouver si Ate at sobra ko siyang na-mi-miss. Mabuti at padating na si Nanay at Tatay next month para sila naman ang bibisita sa akin! Ang suwerte ko talaga!






